EPIKO NG MARAGTAS PDF

Maragtas Epikong Bisayas Ang epikong Maragtas ay kaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari: Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan.

Author:Tauktilar Dagor
Country:Monaco
Language:English (Spanish)
Genre:Environment
Published (Last):22 February 2005
Pages:64
PDF File Size:2.73 Mb
ePub File Size:3.16 Mb
ISBN:482-1-49496-925-8
Downloads:67902
Price:Free* [*Free Regsitration Required]
Uploader:Yozshugore



Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kayat ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal.

Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan. Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.

Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal.

Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan.

Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu, kayat upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagkat lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan.

May ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, itoy patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa.

Walang inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang sinumang magkasala ay pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.

Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay sina: 1. Datu Puti 2. Datu Sumakwel 3. Datu Bangkaya 4. Datu Paiburong 5.

Datu Paduhinogan 6. Datu Domongsol 7. Datu Lubay 8. Datu Dumangsil 9. Datu Domalogalog Datu Balensuela Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay, subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu Marikudo, silay nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang pangyayaring ito.

Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita. Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing.

Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan. Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain.

Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagkat ayon sa kanya ay kaya na niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw.

Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili na isang alipin o kayay pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagalang at mapagmahal.

Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas. Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita.

Bago tanggapin ng babae ang lalaki, sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang nakatago. Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at marurunong na anak.

Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak, binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagkat isang paraan daw ito upang ang patay ay di mabulok.

Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may ibat ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kanyay isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat.

Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kanya ng kapighatian at kalungkutan.

Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.

Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at tahanan. Kayat upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahat ng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamang pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni Gurung-gurung.

Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod.

Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin. Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bagoy siya ang pumatay kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame.

Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siyay gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati ratiy kanyang ginagawa. Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng dagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kayat dinala na lamang niya si Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.

Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siyay sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan. Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niya nalilimutan.

Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahang pangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon at Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na niyang makipagsapalaran.

Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagkat silay pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhay nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.

LO ESENCIAL EN METABOLISMO Y NUTRICION CRASH PDF

Epiko MARAGTAS

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina.

GOOBERZ LINDA GOODMAN PDF

Maragtas (Epikong Bisayas)

Datu Domalogalog Nagkaroon ng malaking kasaysaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita. Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng isang gintong salakotat isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan. Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu Puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain.

Related Articles